Mayor, ang punto ay hindi dahil sa “…ang pulis lang ang handang magpakamatay…” Alam po namin yon. Kaya kami’ng mga "duwag", naging manunulat na lang, server sa Jollibee, doctor o di kaya call center agent. Pero hindi ang KAHANDAAN iyon ng kapulisan ang dapat maging dahilan upang hindi na maging saklaw ng anu mang bahid ng sisi (sabi sa google translate iyon daw ang “beyond reproach”) ang kapulisan, magi na ang mga tunay na mabubuting pulis kapag may kapalpakan na nangyari! A little exercise in humility is perhaps needed. Hindi na nga dapat kailangan ng isang IIRC report eh. Ang una’t at huli ng lahat ay may walong buhay ang nasawi. If that was not an indication of failure, eh ano pa? At kung may tunay na kabiguan, eh “dapat may managot” (iba yun sa “dapat may sisihin” ha!). Siempre mahirap nga ang managot sa kabiguan or paratang na kabiguan, kaya nga exercise in humility eh. Mahirap man tanggapin pero baka mas iyon siguro ang nararapat! Ibig sabihin, sana mag resign na lang at ika nga sa wikang ingles eh “to get off one’s high horse!” under the circumstances.
Nung 1995, sa Srebnica, sa kaligitnaan ng digmaan sa Balkans, mahigit na 7,000 muslim ang napatay ng mga Serbs. Isang report ang inilibas noong 2002, kung saan pinaratangan ang pamahalaang Holandes na may responsibiladad sila sa pagkamatay ng naturningang 7,000 mga muslim. Naiwasan daw sana ang pag paslang sa mga muslim kung may wastong kahandaan ang sundalong kinatawan ng pamahalaang Holandes at kung na pangasiwaan ng wasto ang sitwasyon. Ngunit hindi! Pagkatapos ng paglabas ng report, NAG-RESIGN (Opo, NAG-RESIGN o NAG-BITIW sa posisyon) ang buong gobyerno ni Wim Kok, Prime Minister nuon ng Dutch Government!
Ang diperensya sa atin… Ang galing natin… Ang galing ni Pacquiao. Atin si Pacquiao. Ang galling ni Charice. Atin si Charice! Ang galling ni Arnel Pineda. Atin si Arnel. Mabuhay ang Pinoy!
Eh sa pag-ako ng kapalpakan, paano tayo? Emote tayo si TV (para pa ring si Charice… anak ng…. talaga!)… “…pulis lang! (with matching pukpok sa lamesa and almost cry-cry on camera!)."
Ulit, hindi nga yun ang point! Ang punto eh, 8 buhay ang nawala, dapat may managot! Eh kung kaming mga "duwag", nagsusulat sa mga panahong iyon o di kaya ay naghahanda ng Jollibee Yum with Cheese o di kaya gumagamot ng may dengue sa PGH. Kami ba ang dapat managot?
Ipakita naman natin ang katapangan natin sa pag-ako ng kabiguan o kapalpakan!
http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/europe/netherlands/1391263/Dutch-cabinet-resigns-over-Serb-massacre.html
No comments:
Post a Comment